COVID-19 UPDATES
MMDA Spokesperson Asec. Celine Pialogo, negatibo sa COVID-19.
Negatibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago.
Kinumpirma mismo ito ni Pialago makaraang magpasuri sa COVID-19 nang makaranas ng ilang sintomas ng sakit.
Sinabi ni Asec. Pialago na nagsimula siyang magkaroon ng sipon, ubo at iba pang flu-like symptoms sa unang 3 araw ng kanyang quarantine.
Matatandang sumailalim sa self-quarantine ang MMDA Spokesperson matapos siyang magkaroon ng exposure sa isang nagpositibo sa COVID-19.