Connect with us

MMDA, tuloy ang pagbabawal sa mga tricyle, e-trike at iba pang light vehicle sa mga pangunahing lansangan

MMDA, tuloy ang pagbabawal sa mga tricyle, e-trike at iba pang light vehicle sa mga pangunahing lansangan

National News

MMDA, tuloy ang pagbabawal sa mga tricyle, e-trike at iba pang light vehicle sa mga pangunahing lansangan

Tila nabunutan ng tinik si Kuya Ronald ng malaman nitong hindi na muna huhulihin at titiketan ang mga e-bike, e-trike at iba pang light vehicle na dadaan sa national roads.

Isa kasi siya sa mga dumadaan sa national road sa lungsod ng Marikina kada araw para kumuha ng mga pasahero.

Ang hinaing ng iilan kasama na riyan si Ronald patungkol sa polisiyang ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay nakaabot kay Pangulong Bongbong Marcos.

Kaya naman ang suspendido muna ang implementasyon nito.

Sa press conference, araw ng Biyernes, Abril 19, kinumpirma ni MMDA Chairman Romando Artes na natanggap na niya mula sa palasyo ang utos ng pangulo.

Tatalima aniya ang MMDA sa naging direktiba nito kaugnay sa e-bike policy.

Pero,

“Huwag na pong magpumilit ‘yung ating mga kababayan hindi naalis ‘yung pagbabawal sa pagdaan ng mga ganitong sasakyan sa mga pangunahing lansangan. Ang ipinagbawal lang ng pangulo ay ‘yung hindi pagtitiket at hindi pag-iimpound, huwag naman natin abusuhin,” ayon kay MMDA, Chairman, Atty. Romando Artes.

Pinaalalahanan ni Artes ang sinumang dadaan pa rin sa national roads na maaari silang pagmultahin kung magpupumilit ang mga ito.

“Kung mag-iinsist ka na, puwede ako dumaan ditto, kung mag-iinsist ka may mga batas naman tayong puwede i-apply like disobedience of authority ‘yung mga ganon, driving without license at disregarding traffic signs,” saad pa nito.

Para kay Artes, sapat na ang isang buwang palugit upang maipaalam sa publiko at mapamilyar nila ang mga bagong patakaran.

Magbibigay din ang MMDA chairman ng rekomendasyon sa pangulo kung ito ba ay kailangan pang palawigin.

Hindi rin babaguhin ang P2,500 na multa sa sinumang mahuhuli upang magtanda.

Pag-aaralan rin ng ahensya kung posible bang kanselahin ang multa ng mga naunang natiketan at naimpound na mga tricyle, e-bike at iba pa sa kanilang isinagawang operasyon nitong mga nakaraang araw.

“Kailangan may dahilan kami para i-cancel ‘yung ticket at isauli itong naimpound. Aaralin po namin kung paano ‘yung mga naisyuhan ng ticket on which bago tayo sinabihan ng pangulo ay nasa 290 na at 69 na ‘yung impounded,” ani Atty. Artes.

Asahan sa Mayo 18, ay muling ipatutupad ng MMDA ang full implementation ng nasabing polisiya kung saan muling maniniket at iimpound ang mga light vehicle na dadaan sa national roads.

More in National News

Latest News

To Top