Connect with us

Modernisasyon ng Philippine Navy, tiniyak ng bagong Flag Officer-in-Command

Modernisasyon ng Philippine Navy, tiniyak ng bagong Flag Officer-in-Command

National News

Modernisasyon ng Philippine Navy, tiniyak ng bagong Flag Officer-in-Command

Tiniyak ni Philippine Navy Flag-Officer-in-Command Rear Admiral Toribio Adaci Jr. ang patuloy na modernisasyon sa kanilang hanay.

Ayon kay Adaci, kabilang ito sa kanyang “priority thrust” kasabay ng pagpapahusay at pagpapanatili ng personnel training, rasyonalisasyon ng organisasyon, modernization program, real estate at bases management.

Gayundin ang pagpapalakas sa international defense at security engagements, self-reliant defense posture, at pagsulong ng mga interes ng Navy.

Kasabay nito, pinuri ni AFP Chief of Staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro si Adaci para sa kanyang “stellar record” at natatanging karanasan sa naval operations, education and training, at personnel management and administration na kapaki-pakinabang sa Navy at sa buong AFP.

Si Adaci ay ang ika-40 Flag Officer-in-Command ng Navy at kauna-unahan sa kanilang hanay na manunungkulan sa loob ng 3 taon sa ilalim ng RA 11709.

More in National News

Latest News

To Top