Connect with us

Modernization efforts ng PHLpost, ipakakalat sa malalayong lugar sa bansa

Modernization efforts ng PHLpost, ipakakalat sa malalayong lugar sa bansa

National News

Modernization efforts ng PHLpost, ipakakalat sa malalayong lugar sa bansa

Target ng Philippine Postal Corporation na maiparating sa malalayong lugar sa bansa ang modernization efforts ng ahensya.

Ito ay ayon kay Postmaster General Norman Fulgencio sa Laging Handa Public Briefing, kung saan palalakasin aniya ng Phlpost ang presensya ng postal office para marami pa ang kanilang matulungan.

Saad ng opisyal, umpisa pa lang ang pagpapa-ibayo ng mga serbisyo ng Phlpost kasunod ng ng pagpapasinaya kamakailan digitalization at modernisasyon ng Philippine Postal Corporation (PHLPost).

Bukod dito, sinabi rin ni Fulgencio na ipakakalat din nila ang postal stations sa mga tren gaya LRT at MRT at maging sa mga paliparan, ma-international o domestic airport man.

Magugunitang hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PHLPost na ipagpatuloy ang “modernization efforts” nito upang magtuluy-tuloy ang mabilis at maayos na delivery ng government services kahit tapos na ang kanyang termino.

Samantala, inaayos na ng pamunuan ng Phlpost ang patungkol sa promosyon ng mga empleyado nito.

Sinabi ni Fulgencio na ipapadala nila ngayong araw ang sulat sa chairman ng Commissioner ng civil Service Commission (CSC) para sa approval ng promosyon ng mga opisyal at kawani ng phlpost.

Inaasahan na bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte, maibibigay na sa mga kawani ng Phlpost office ang promosyon na matagal na nilang hinihintay.

More in National News

Latest News

To Top