Connect with us

Modernization program sa PCG, inaasahan kasama sa SONA ni PBBM

Tiwala ang pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na ipagpapatuloy ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.,

National News

Modernization program sa PCG, inaasahan kasama sa SONA ni PBBM

Tiwala ang pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na ipagpapatuloy ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang modernization program na unang sinimulan noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang isa sa nais marinig ni Coast Guard Admiral Artemio Manalo Abu, sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos bilang kanilang commander in chief.

Sa panayam ng SMNI news, sinabi ni Admiral Abu na umaasa siyang mabibigyang pansin at mas mapalakas ang kanilang hanay pagdating sa kagamitan at tauhan

Kasabay nito, tiniyak naman ni Admiral Abu na patuloy na nakabantay ang Philippine Coast Guard sa pinag-aagawang teritoryong West Philippine Sea (WPS) upang masiguro ang kaligtasan at soberanya ng bansa.

Sa ngayon, umaabot sa 22,847 coast guard personnel at inaasahang mas madadagdagan pa ito sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos.

More in National News

Latest News

To Top