National News
Morales at Santiago ng PDEA leaks, pinalaya na mula sa Senate detention
Pinalaya na si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Agent Jonathan Morales mula sa Senate detention.
Ayon kay Senate Sergeant-at-Arms Roberto Ancan, bandang alas-7 ng gabi nitong May 23, 2024 nang pinalaya si Morales kasabay si dating National Police Commission (NAPOLCOM) Staff Eric “Pikoy” Santiago.
Matatandaang ang 2 ay na-contempt dahil sa pagsisinungaling sa Senate investigation na may kaugnayan sa leaked PDEA documents.
Ang tinutukoy na leaked PDEA documents ay isang pre-operation report kung saan makikita dito na naging target ng isang 2012 anti-drug operation ang nooy senador at ngayoy Pangulong Bongbong Marcos kasama ang aktres na si Maricel Soriano.