National News
Morales, Santiago sa PDEA leaks, kulong sa Senado
Pinapa-contempt ng Senado si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Agent Jonathan Morales.
Sa mosyon na ginawa ni Sen. Jinggoy Estrada, sinabi nito na panay ang pagsisinungaling ni Morales kaugnay sa PDEA leaks kung kaya’t nararapat lang ito na mai-detain.
Tinanggap naman ni Sen. Bato Dela Rosa ang mosyon ni Estrada.
Sa naging hearing rin ay pinapa-detain si dating National Police Commission (NAPOLCOM) Staff Eric “Pikoy” Santiago dahil sa kaparehong rason.
Sa katunayan ay nagalit pa si Sen. Bato kay alyas Pikoy kaugnay sa isang CCTV footage kung saan maririnig na nakipag-usap si Department of Justice Investigation Agent Romeo Enriquez sa isang Eric Santiago na syang si “Pikoy”.
Batay sa footage, pilit umanong pinipigilan ni Pikoy si Morales na magtestimonya sa Senado.