Connect with us

Pagsuspinde sa taas-singil ng Philhealth sa OFWs, ipinapakiusap ng isang mambabatas

moratorium singil Philhealth OFW

National News

Pagsuspinde sa taas-singil ng Philhealth sa OFWs, ipinapakiusap ng isang mambabatas

Nakikiusap ngayon si Kabayan Partylist Representative Ron Salo sa pamahalaan na bigyang moratorium ang pagtataas singil ng Philhealth sa mga OFW.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Cong. Salo, sinabi nitong nanawagan na silang isuspinde muna ang bagong measures na inilabas ng .

Dagdag pa nito na gawin sanang patas ng Ahensiya ang paniningil ng health insurance sa lahat ng manggagawa.

Aniya, 50% lamang ang binabayaran ng mga manggagawa at sagot ng employers ang pagbabayad nang kalahati sa premium sa bansa.

“50% din ang babayaran ng OFW, 50% yung foreign employer. Ngayon, kung hindi nila masingil doon sa foreign employer, they should have a mechanism,” saad ni Salo.

Matatandaang, naglabas ng bagong circular order ang Philhealth kung saan nakasaad ang pagbabayad ng OFW ng 3% mula kanilang buwanang kita sa pagsisimula ng 2020.

More in National News

Latest News

To Top