National News
Moreno, siniguro sa mga Muslim ang epektibong gobyerno kapag manalo
Nangako si presidential and Manila Mayor “Isko” Moreno na magbibigay ito ng pantay na oportunidad sa lahat ng mga indibidwal at siniguro nito sa mga Muslim sa buong bansa ang isang tapat at tamang pamamahala kung mananalo ito sa eleksyon.
Ani Moreno, ipaparamdam nito sa lahat ang pamahalaan na para sa Mindanao, Visayas, at Luzon; para sa mahihirap, middle class at mayayaman.
Dagdag nito, ang pantay na oportunidad ang tanging paraan lamang upang maabot ang kapayapaan at kaunlaran sa buong parte ng bansa.v