Connect with us

Mortgage payment sa Italy, pinasuspinde dahil sa Coronavirus outbreak

Mortgage payment sa Italy, pinasuspinde dahil sa Coronavirus outbreak

COVID-19 UPDATES

Mortgage payment sa Italy, pinasuspinde dahil sa Coronavirus outbreak

Bunsod ng lumalalang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) outbreak sa Italy, pinasususpende ng pamahalaan ang mortgage payment sa mga residente nito.

Ito’y kasunod ng deklarasyon ng nationwide lockdown sa bansa noong Martes.

Kaugnay rin dito, ipinag-utos na rin ang pagpapakansela sa lahat ng public gatherings at pansamantalang pagsasara sa lahat ng paaralan hanggang sa susunod na buwan.

Unang ipinatupad ang lockdown sa hilagang bahagi ng bansa na may 16 milyong residente at ngayon ay ipinatupad na sa buong bansa.

Ang nasabing restrictions sa ilalim ng ipinatupad na lockdown ay magtatagal hanggang Abril 3.

Makukulong naman ng hanggang 3 buwan ang lalabag sa nasabing kautusan o kaya ay pagmumultahin ng hanggang 206 Euros o katumbas ng mahigit P11,000.

Matatandaan na umabot na sa mahigit 9,000 katao sa Italy ang nahawaan sa COVID-19, kung saan 463 na ang naitalang namatay.

Ulat ni: Samantha Shane

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top