Connect with us

Motorcade ng FPRRD Senate slate, pinagkaguluhan sa Cagayan de Oro

Motorcade ng FPRRD Senate slate, pinagkaguluhan sa Cagayan de Oro

National News

Motorcade ng FPRRD Senate slate, pinagkaguluhan sa Cagayan de Oro

Muling ipinamalas ng mga taga-Cagayan de Oro ang matinding suporta sa Duterte Senate slate sa pagpapatuloy ng kampanya para sa 2025 midterm elections.

Sa gitna ng sigawan at mainit na salubong ng taumbayan, lalong tumingkad ang panawagan para sa pagbabalik ng pamumunong may tapang at malasakit.

Napakainit ng pagtanggap ng mga Kagay-anon sa Duterte Senate slate—tila ba matagal nilang hinintay ang muling pagbabalik ng grupong kinikilala para sa liderato nitong matibay sa prinsipyo at mabilis kumilos para sa bayan.

Patunay dito ang mahaba at mataong motorcade na bumaybay sa sentro ng Cagayan de Oro City.

Sa bawat kanto at kalye, dinumog ng mga residente ang convoy at pagdating sa Cogon Market—Duterte pa rin ang sigaw ng masa.

Isang malinaw na mensahe ng kanilang patuloy na pagtitiwala at pagnanais na muling marinig ang boses ng mga lider na kanilang sinusundan.

Hindi rin nagpahuli ang Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement—aktibong nakiisa sa motorcade, bitbit ang panawagang baguhin ang takbo ng Senado sa pamamagitan ng isang lider na may matibay na paninindigan.

Batay sa mga residenteng nakausap ng SMNI News, straight vote sila sa mga pambato ng PDP-Laban at Duterte Senate slate sa eleksyon.

Nagtapos ang kampanya ng Duterte Slate sa isang malakihang campaign rally sa El Salvador City.

Ayon kay PDP-Laban, Mayoral Candidate Mark Tan, “Huwag tayong magpatakot, kasi at the end of the day, hindi naman yung takot natin ang magpu-push through sa buhay natin.”

Samantala, mariing kinondena ni Duterte senatorial candidate Ronald “Bato” dela Rosa ang pagbibigay ng safety conduct passes sa mga itinuturing na kalaban ng pamahalaan.

Sakop ng kontrobersyal na hakbang ang mga grupong MILF, MNLF, Rebolusyong Partido ng Manggagawa-Pilipinas, Revolution Proletarian Army, Alex Boncayao Brigade, at ang CPP-NPA-NDF—mga pangalang matagal nang kaugnay ng armadong pakikibaka at destabilization efforts sa bansa.

Batay sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pansamantalang hindi maaaring arestuhin, ikulong, o kasuhan ang mga kasapi ng nabanggit na mga grupo habang isinasailalim sila sa proseso ng pagsuko at integrasyon sa ilalim ng amnesty program ng gobyerno.

Layon ng hakbang na palabasin, ipa-surrender at ipasailalim sa amnesty program ang mga nabanggit na grupo.

Ngunit para kay dating PNP Chief Bato dela Rosa—hindi ito basta-basta dapat palampasin, “The government should be careful with dealing with these people. Because history will tell us that these people are users, these people are deceivers, and these ay walang ibang laman ng utak nito at kanilang puso kung paano kunin, kung paano agawin ang puder ng gobyerno.”

May babala naman si Senator Bato sa administrasyong Marcos lalo na’t may amnesty program ito sa mga kalaban ng gobyerno, “Hintayin mo, darating ang araw baka darating tayo sa punto ng strategic stalemate kapag ganoon na sila kalakas no without us knowing and slowly nagbi-build up sila ng pwersa. Mapapansin mo ngayon meron nang mga ginagawa silang atrocities.”

More in National News

Latest News

To Top