National News
Motorcycle riders, nangungunang lumalabag sa EDSA Bus Lane policy – MMDA
Iniulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mga motorcycle riders ang numero unong lumalabag sa Edsa Bus Lane policy.
Sa datos ng ahensya 1,051 sasakyan ang nahuli na dumaan sa bus lane mula noong Enero – Marso ngayong taon kung saan 783 dito ang motorsiklo.
Sa nasabing bilang, 205 ang nahuling kotse, 29 ang van, 21 ang taxi, at 13 iba pang uri ng sasakyan.
Ayon sa MMDA, layunin ng kanilang pagpapatupad ng polisiya, batas trapiko at iba pang regulasyon ay upang mapanatili ang kaayusan at mapabilis ang daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila.
Dagdag pa ng ahensya marami pang ilalatag na hakbangin ang pamahalaan upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko na nararanasan sa mga lansangan.
