Connect with us

Motorcycle taxis, pinayagan na muling makapagbiyahe ng IATF

Maaari nang magbalik-operasyon ang mga motorcycle taxi tulad ng Angkas at Joyride.

National News

Motorcycle taxis, pinayagan na muling makapagbiyahe ng IATF

Maaari nang magbalik-operasyon ang mga motorcycle taxi tulad ng Angkas at Joyride.

Ito ang inanunsyo ni base na rin sa inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) nitong Oktubre a-22.

Ani Roque, pwede nang bumiyahe ulit ang Angkas at Joyride sa ilalim ng Motorcycle Taxi Pilot Program ng gobyerno.

Ani Roque, “Pinayagan na rin ang mga pagpapatupad ng motorcycle taxi pilot study pagkatapos payagan ng Kamara de Representantes na i-extend ang motorcycle taxi pilot study program. So, mabuting balita po yan kasi pupuwede naman tayong mag Angkas o mag Joyride.”

Nakatakda namang magpalabas ng mga panuntunan o guidelines para rito ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

“Merong pong guidelines na i-issue ang LTFRB. Pero ang maganda po rito is wala na pong hadlang. Antayin lang natin ng sandali ang guidelines.”

Base rin sa nakasaad sa IATF resolution 80, ang National Task Force against COVID-19 at ang Department of Transportation ang siyang inatasan na mag-implementa at imonitor ang pilot program.

Kaugnay nito, kung maalala ay inihayag ni  Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na sa sandaling payagan ng pamahalaan na muling mag-operate ang mga motorcycle taxi ay nilinaw nitong, required sa mga driver na maglagay ng barriers para matiyak na hindi magkakaroon ng hawahan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Hindi naman ire-require ang mga pasahero na bumili o magkaroon ng sariling helmet, subalit, ani Año, makabubuti pa rin kung may dalang sariling helmet ang mga ito para na rin sa kanilang sariling kaligtasan.

Dagdag pa ng kalihim, maaaring pahiramin ng mga motorcycle taxi drivers ng helmet ang kanilang mga pasahero pero kailangan aniyang siguraduhing na-disinfect nang mabuti ang helmet dahil maaari itong pagmulan ng COVID transmission.

More in National News

Latest News

To Top