National News
Mpox, isa na sa dangerous communicable diseases– DOH
Kasama na ang mpox sa listahan ng dangerous communicable diseases.
Ayon sa Department of Health (DOH), Category I na ang mpox kasama sa mga sakit tulad ng viral Hepatitis (maliban sa Hepatitis A), Creutzfeldt-Jakob disease (without necropsy), severe acute respiratory syndrome, Avian influenza, Invasive Group A Streptococcal infections, cholera at iba pang infectious diseases.
Ibig sabihin, ang sinumang health workers na nangangalaga sa mga pasyente na kasali sa Category I lalong-lalo na ang mga labi nito ay kailangang sumailalim sa sapat na infection, prevention at control measures.
Ang mga labi ay dapat ring mailibing sa loob ng 12 oras pagkatapos mamatay.