Connect with us

MRI, CT Scans, atbp. dapat isali sa PhilHealth coverage

mri-ct-scansatbp-dapat-isali-sa-philhealth-coverage

National News

MRI, CT Scans, atbp. dapat isali sa PhilHealth coverage

Dapat kasali sa PhilHealth coverage ang may kaugnayan sa cancer at eye problems.

Maging ang Magnetic Resonance Imaging (MRI), Positron Emission Tomography (PET) at CT Scans ayon kay Agri Party-list Rep. Wilbert Lee.

Hirit pa ng kongresista, dapat matugunan rin ng PhilHealth ang mga pasyenteng sumasailalim sa radiofrequency ablation 3D mapping na kailangang gumastos ng P470K ngunit nasa P24K lang ang kaya nilang maibibigay na tulong.

Sa huli, sinabi ni Lee na hindi ramdam ng mga Pilipino ang deduction sa kanilang gastusin.

Mukha pang lugi ang mga ito dahil sa malaking ibinabawas na contribution mula sa kanila bawat buwan.

Sa kabila nito, tataasan ng PhilHealth ang benefit case packages ng hanggang 30% bago matapos ang 2024.

Mismong si PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr. ang nangako nito sa budget hearing.

Kung matutupad ay nasa 60% na ang itinaas ng state health insurer sa mga benefit case package ngayong taon.

Noong Pebrero nang una silang nagpatupad ng 30% increase para sa mga benepisyong makukuha ng mga Pilipino.

More in National News

Latest News

To Top