Metro News
MRT-3 at LRT-2, may libreng sakay ngayong araw
Magkakaroon ng limitadong libreng sakay Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ngayong araw, kasabay sa pagdiriwang ng “Rizal Day.”
Sa isang social media post ng MRT-3, 7-9:00 am ang unang schedule para sa libreng sakay.
5-7:00 pm naman ang pangalawang schedule ng libreng sakay.
Habang ang LRT-2 ay mas maikli ang ibibigay na pribilehiyo kung saan 7-9:00 am lamang ang libreng sakay.
Ayon sa pamunuan ng LRT at MRT, bilang pakikiisa nila ito sa paggunita ng ika-125th na anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal.
