Connect with us

MRT-3, may 3-day libreng sakay para sa gov’t employees

MRT-3, may 3-day libreng sakay para sa gov't employees

Metro News

MRT-3, may 3-day libreng sakay para sa gov’t employees

May handog na libreng sakay ang MRT-3 para sa mga kawani ng gobyerno mula Setyembre 18 hanggang 20, 2024.

Sa anunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), bilang pakikiisa ito sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Philippine Civil Service.

Makakakuha ng libreng sakay ang mga kawani ng gobyerno sa buong oras ng operasyon ng MRT-3 sa nasabing tatlong araw.

Kinakailangan lamang na magpakita ang mga ito ng ID bilang patunay na sila ay kawani ng gobyerno para maka-avail ng libreng sakay.

Ang unang biyahe ng tren mula sa North Avenue Station ay 4:30 ng umaga at 5:05 naman mula sa Taft Avenue Station.

Ang huling biyahe naman ay 9:30 ng gabi sa North Avenue Station habang 10:09 sa Taft Avenue Station.

More in Metro News

Latest News

To Top