Metro News
MRT-3, may mga bago ng unit ng Uninterruptible Power Supply
May mga bago ng unit ng Uninterruptible Power Supply (UPS) ang MRT-3 Depot at North Avenue Station.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, napalitan na ng mga bagong unit ng UPS ang mga lumang units nito sa MRT-3 Depot at North Avenue Station kahapon.
Nauna na ritong na-upgrade ang mga UPS units sa mga substation ng Shaw Boulevard Station at Taft Avenue Station noong Sabado.
Ginagamit ang UPS unit bilang back-up power supply sa mga oras ng emergency, at kapag nagkaroon ng power interruption o power failure.
Ang pag-upgrade o pagpapalit ng mga bagong UPS units ay bahagi ng ginagawang malawakang rehabilitasyon ng MRT-3.