Connect with us

Mula sa halos 2 tonelada, mga nakumpiskang droga sa Alitagtag Batangas nasa 1.4 tonelada nalang

Mula sa halos 2 tonelada, mga nakumpiskang droga sa Alitagtag Batangas nasa 1.4 tonelada nalang

Regional

Mula sa halos 2 tonelada, mga nakumpiskang droga sa Alitagtag Batangas nasa 1.4 tonelada nalang

April 15, 2024, nang ibinalita ng mga otoridad na may naharang na iligal na droga sa isang checkpoint sa Barangay Pinagkurusan, Alitagtag, Batangas.

Inanunsyo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang nahuling iligal na droga na isinakay sa isang van ay aabot umano sa halos 2 tonelada ang bigat at tinatayang nasa mahigit P13-B ang halaga.

Ang balitang ito ay naging kontrobersyal at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga Pilipino. May iba pa nga na hindi naniniwala matapos itong ibalita ni Pangulong Bongbong Marcos.

Habang gumugulong ang imbestigasyon, inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) ang official count ng nakumpiskang droga.

Ayon sa pulisya, mula sa halos 2 tonelada ay umabot nalang ito sa 1.4 tons o katumbas ng nasa mahigit P9-B ang halaga.

Dahil dito, mas marami sa ating mga netizens ang nagduda sa maituturing na pinakamalaking drug haul dito sa bansa.

Ngunit hindi pa dito natatapos dahil mula sa 1.4 na tonelada ng shabu umabot nalang ito ngayon sa 1.2 tons.

Sa panayam ng media kay PBGen. Paul Kenneth Lucas, regional director ng PRO Calabarzon, sinabi nito na kaya ito nabawasan ay dahil noong iniimbentaryo ang nakumpiskang droga kasama umano rito ang packaging.

“Nung nagkaroon tayo ng inventory doon sa Alitagtag kasama ‘yung packaging kasama ‘yung container nung kinikilo natin itong mga drugs na nahuli natin sa Alitagtag of course pag na naiturn-over sa PDEA ‘nung tinanggal na nila ‘yung packaging kung saan inilagay ‘yung meth is ito ‘yung lumabas na kilo ng naconfiscate na shabu,” ayon kay Lucas.

Ginawa ng opisyal ang nasabing pahayag kasunod ng ginawang pagsira ng PDEA sa mahigit ₱9-B na halaga ng iligal na droga sa isang Integrated Waste Management Facility sa barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite nitong Huwebes, Hunyo 6.

Kasama sa mga sinira ang nasa mahigit 1 toneladang shabu na nahuli sa isang checkpoint sa Alitagtag, Batangas noong buwan ng Abril.

Paliwanag naman ni Asec. Renato Gumban, deputy director general for operations ng PDEA, umabot umano sa 200 kilo ng packaging ang kanilang nakuha na ibinalot sa mga droga.

“Yung ano dun ‘yung tinatanggal ‘yung packaging sa laboratory service ang packaging is may nakabalot sa plastic binalot pa ulit sa plastic na makapal at pinasok pa sa plastic container tinanggal namin ‘yung laman dun at ini-weigh ‘yung more or less 300 grams ‘yung isang packaging lang kaya over all ‘yung nabawas dun is about 200 kilo 1.4 or 1.2 more or less I’m not accurate on that ganun kakapal ‘yung ginamit na seal at ganun kabigat ‘yung ginamit na packaging,” ayon naman kay Gumban.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad patungkol sa naturang isyu.

2 suspek palang ang naaresto ng mga otoridad kaugnay sa isyung ito, ang driver ng van na kinilalang si Aljon Michael Zarate na dating sundalo ng Amerika at isang Canadian national na kinilalang si Thomas Gordon O’ Quinn.

More in Regional

Latest News

To Top