Connect with us

Muling pag-issue ng driver’s license, tinatarget ng LTO ngayong buwan

Muling pag-issue ng driver's license, tinatarget ng LTO ngayong buwan

National News

Muling pag-issue ng driver’s license, tinatarget ng LTO ngayong buwan

Tinatarget ng Land Transportation Office (LTO) na makapagpatuloy na muli sa pag-issue ng driver’s license ngayong buwan.

Kasunod ito sa inaasahan nilang delivery ng plastic cards na gagamitin para sa mga lisensya.

Sa ngayon ay mayroon na ring inaayos na distribution system ang LTO ayon kay Chief Vigor Mendoza kung paano mai-deliver ang driver’s license.

Isa aniya sa mga paraan ay ang passport style gamit ang courier service.

Samantala, ibinahagi ni Mendoza na bawat buwan ay nangangailangan ang LTO ng 600-K plastic cards o katumbas ng 12-M sa 1 taon.

More in National News

Latest News

To Top