National News
Muling pagpapalawig ng ECQ, tinalakay sa IATF meeting kasama ang dating health secretaries
Tinalakay Inter-agency Task force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) meeting sa Malakanyang ang mga susunod na hakbang pagkatapos ng Abril a-30 kung kailan mapapaso na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque, ilan sa mga ito ay ang pagpapalawig ng ECQ o mas mahigpit pang pagpapatupad ng mga patakaran sa lockdown.
Iminungkahi rin umano ni mungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Conception na pagpapatupad na lamang ng modified community quarantine na limitado sa geographical location.
Ibig sabihin nito, ang pagpapatupad ng quarantine ay naka-depende sa taas ng bilang ng COVID-19 positive sa kada lalawigan, bayan at barangay habang maaari ng bawiin ang ECQ sa mga lugar na COVID-free.
Tiniyak ng Malacañang na ano man ang magiging desisyon ni Pangulong Duterte, ibabatay ito sa datos, siyensya at rekomendasyon ng mga eksperto.
Kabilang sa mga resource persons sa IATF meeting kaninang hapon ang mga dating Health Secretaries gaya nina Rep. Janet Garin, Dr. Esperanza Cabral, Dr. Jaime Galvez Tan, at ilan pang mga health experts.
