National News
Muling pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa, hindi dapat ikabahala – DOH
Nilinaw ni Health Secretary Ted Herbosa na hindi dapat ikabahala ang pagtaas ng daily average COVID-19 cases sa bansa sa nakalipas na linggo.
Matatandaang tumaas sa 36% ang COVID-19 cases ng bansa mula Dec. 5 – Dec. 11.
Ayon kay Herbosa, itinuturing na ngayon ng mga eksperto ang COVID-19 bilang pangkaraniwang respiratory infection.
Malaki aniya talaga ang tsansa na tumaas muli ang mga kaso ngayon ng acute respiratory infections gaya ng COVID dahil sa malamig na panahon at dagsa ng tao sa mga pampublikong lugar dahil sa holiday season.
Giit naman nito na hindi pa kailangang gawing mandatory ulit ang pagsuot ng facemask.
Pero tiniyak nito na patuloy ang ginagawang monitoring at epidemiology surveillance ng DOH para sa COVID-19.
