Connect with us

Multa sa mga ospital na humihingi ng deposito bago manggamot, ipinanukala

Ipinanukala ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang Anti-Hospital Deposit Law para sa mga ospital at klinika na humihingi ng deposito

Regional

Multa sa mga ospital na humihingi ng deposito bago manggamot, ipinanukala

Ipinanukala ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang Anti-Hospital Deposit Law para sa mga ospital at klinika na humihingi ng deposito bago sila manggamot kahit nasa emergency ang mga pasyente.

Ayon kay Duterte, babantayan ng naturang panukala ang karapatan ng mga pasyente kung saan dapat tanggapin sa kahit anong ospital at mabigyan agad ng lunas kahit wala pa itong paunang bayad.

Sa ilalim ng RA 10932, pagmumultahin ng ₱100,000 – ₱300,000 o makukulong ng 6 na buwan hanggang 2 taon ang mga hospital employees o medical practitioners na mapapatunyang lalabag sa Anti-Hospital Deposit Law.

Papatawan naman ng 4 hanggang 6 na taon at multang ₱500,000 – ₱1 milyon para sa mga directors opisyal ng hospital o clinics na mapapatunayang lalabag sa polisiya.

Maaari ding mabigyan ng suspensyon, kanselasyon o pagbawi ng kanilang propesyonal na lisensya.

More in Regional

Latest News

To Top