National News
Multang nalikom ng DOT-SAIC, umabot sa P135-M
Umabot sa ₱135-M ang multang nalikom ng Department of Transportation – Special Intelligence Committee on Transportation (DOT-SAICT) mula sa nasa mahigit 360 na kolorum na sasakyan.
Ayon sa SAICT ang mga nasabing bilang ng kolorum na sasakyan ay mula Nobyembre ng taong 2023 hanggang nitong Hunyo.
Aabot naman sa P200-K ang mula para sa van habang P1-M para sa mga kolorum na bus.
Tiniyak naman ni na paiigtingin nila ang kanilang kampanya laban sa mga iligal na gawain sa sektor ng transportasyon kasabay ang panghihikayat sa publiko na agad magsumbong sa mga mamamataang sasakyang mangongolorum.