Connect with us

Music for Hope concert ni Andrea Bocelli, record breaking

Music for Hope concert ni Andrea Bocelli, record breaking

Showbiz

Music for Hope concert ni Andrea Bocelli, record breaking

Nakapagtala ng bagong record ang isinagawang easter concert ni blind opera singer Andrea Bocelli sa Duomo Di Milano, Milan Cathedral.

Itinuturing ng social media platform na youtube na most watched classical music concert ang nasabing pagtatanghal ni Bocelli.

Inawit ng opera singer kasama ang World’s Largest Pipe Organ player na si Emmanuel Vianelli ang Panis Angelicus, Ave Maria, Sancta Maria, Domine Deus at Amazing Grace.

Umabot naman sa 28 Million views sa youtube ang 25 minutes na “Music of Hope” concert ng Italian Tenor sa loob lamang ng 24 oras.

Sa ibang balita, nagbigay ng aabot sa $1.24 million na donasyon ang singer na si Ed Sheeran sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Ibinigay ng singer-songwriter ang tulong sa iba’t-ibang local charities at Children’s Hospital Ward sa Ipswich, Suffolk sa United Kingdom kung saan ito nakatira.

Continue Reading
You may also like...

More in Showbiz

Latest News

To Top