National News
Muslim-Filipino leaders sa NCR, nag-sanib pwersa para sa pagsuporta sa BBM-Sara tandem
Bumuo ng alyansa ang mga Muslim leaders sa iba’t ibang sektor para magbigay ng suporta sa kandidatura ng BBM-Sara tandem sa darating na halalan.
Ang naturang alyansa na binansagang Muslim Alliance for BBM-Sara o MABS ay binubuo ng mga Muslim professional, religous and traditional leaders, mga negosyante, community leaders, youth leaders at mga kababaihan.
Kahapon, Marso 14, ay pormal na sinelyuhan, sa pamamagitan ng isang aktibidad sa San Juan City, ang alyansa sa pangunguna ni Sultan Masideng Salic, ang pangulo ng MABS, Atty. Mamarico Sansarona Jr, ang bise presidente ng grupo at iba pang opisyales nila.
Present sa aktibidad si Atty. Benhur Abalos, ang national campaign manager ni presidential candidate Bongbong Marcos.
Lubos ang pagpapasalamat ni Abalos sa suporta ng Muslim Alliance for BBM-Sara para sa dalawang frontrunners na kandidato.
Naniniwala ang grupo na ang BBM-Sara tandem ang pinakakwalipikado na maging pangulo at pangalawang pangulo ng bansa dahil na rin sa kanilang mga napatunayang track record.
Binigyang diin ng alyansa ang malawak na karanasan ng dalawa.
Si Bongbong Marcos ay minsan nang naging local chief executive at mambabatas habang naging matagumpay naman ang pamumuno ni Mayor Sara Duterte sa Lungsod ng Dabaw.