Connect with us

MWFR Quezon watershed, dapat protektahan – Villar

MWFR Quezon watershed, dapat protektahan – Villar

National News

MWFR Quezon watershed, dapat protektahan – Villar

Nais ni Senate Committee on Environment and Natural Resources Chairman Sen. Cynthia Villar na ideklara ang bilang isang “protected area.”

Sa inihaing Senate Bill 1691, inirekomenda ni Villar, na dapat kilalanin ang MWRF bilang San Francisco Protected Landscape.

Ayon sa senadora ang MWFR ay dapat maging isang protektadong lugar dahil sa mayaman at luntiang mga halaman sa kagubatan nito na nagsisilbing tirahan ng iba’t-ibang wildlife, kabilang ang mga nanganganib na flora at fauna species kung saan may lawak itong 29.6 hectares.

Dagdag pa ng senadora, ang MWFR ay nagbibigay din ng malinis na tubig na siyang pinagkukunan ng mga mamamayan at maari din itong magamit sa agrikultura.

Matatandaan, noong 2021, ang MWFR ay isinailalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Protected Area Suitability Assessment (PASA) upang matukoy ang pagiging angkop nito bilang isang protektadong lugar sa ilalim ng Expanded National Integrated Protected Areas System Act.

More in National News

Latest News

To Top