Connect with us

My.SSS Employer portal, hindi muna magagamit – SSS

Pansamantalang hindi muna magagamit ang My.SSS Employer portal ng Social Security System.

National News

My.SSS Employer portal, hindi muna magagamit – SSS

Pansamantalang hindi muna magagamit ang My.SSS Employer portal ng Social Security System.

Batay sa ipinalabas na abiso ng Social Security System (SSS), araw ng Martes, kasalukuyang nasa “system enhancements” ang My.SSS Employer portal para sa pagpapatupad ng email One Time Pin (OTP).

Layon nitong mapalakas pa ang seguridad sa online transactions sa SSS.

Humihingi naman ng paumanhin ang SSS sa posibleng “inconvenience” na maaaring idulot nito.

“During this time, employer services are inaccessible. We apologize for any inconvenience this may cause and appreciate your patience and understanding as we work to improve our systems,” saad pa ng media advisory ng SSS.

“Full use of the My.SSS portal will be restored as soon as possible. Thank you for your cooperation.” pagtatapos ng SSS.

Admar Vilando

More in National News

Latest News

To Top