Connect with us

Mystica, maaring sampahan ng kaso sa pagmumura nito kay Pang Duterte – Roque

Mystica, maaring sampahan ng kaso sa pagmumura nito kay Pang Duterte – Roque

National News

Mystica, maaring sampahan ng kaso sa pagmumura nito kay Pang Duterte – Roque

Binalaan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang novelty singer/ actress na si Mystica na maari itong maharap sa kasong kriminal sa pagmumura nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa televised press briefing sa Malacanang, sinabi ni Roque na maaring maharap sa mga kasong paglabag sa umiiral na  Bayanihan To Heal As One Act o Republic Act No. 11469 si Mystica.

Paliwang ni Atty. Roque na isang dating constitutional law at public international law professor sa University of the Philippines na hindi absolute ang freedom of speech o freedom of expression sa ilalim ng umiiral na Bayanihan To Heal As One Act, ang batas na nagbibgay kapangyarihan sa pangulo upang labanan ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa.

Sa mga social media post ni Mystica, hayagang pinagmumura nito si Pangulong Duterte na maituturing na isang pagyurak at pag-alipusta sa pagkatao ng pangulo ng bansa.

Umani naman ng batikos mula sa mga netizen ang ginawa ng actress na tinawag nilang laos at nagpapa-pasin lamang dahil sa wala na itong showbiz carreer.

More in National News

Latest News

To Top