Connect with us

Naapektuhan ng Bagyong Goring, higit 63,000 indibidwal na – NDRRMC

Naapektuhan ng Bagyong Goring, higit 63,000 indibidwal na – NDRRMC

National News

Naapektuhan ng Bagyong Goring, higit 63,000 indibidwal na – NDRRMC

Pumalo na sa 19,370 pamilya o 63,565 indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Goring.

Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nagmula ang mga apektadong residente sa 333 barangay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR).

Pansamantalang sumisilong ang 4,049 pamilya o 14,856 indibidwal sa 154 evacuation centers.

Habang ang ibang apektong residente ay tumutuloy sa kanilang mga kaanak o kakilala.

Wala pa namang naiulat na nasawi, nasaktan o nawawala dahil sa bagyo.

Samantala, nakapag-abot na ang mga awtoridad ng family food packs, ready to eat foods, hygiene kits at iba pang tulong sa mga residente.

More in National News

Latest News

To Top