National News
Nag-resign dahil sa pangit na workplace, ‘illegal dismissal’
Maaaring maituring na constructive illegal dismissal kung ang isang empleyado ay mapipilitang magbitiw sa trabaho dahil sa masamang work environment.
Sa inilabas na desisyon ng Korte Suprema na isinulat ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier sa kasong kinasasangkutan ng empleyadong si Jonathan Bartolome laban sa Toyota Quezon Avenue, Inc. (TQAI).
Ayon sa Korte Suprema, constructive illegal dismissal ang pagbitiw ng isang empleyado dahil sa demotion o pagbaba sa ranggo, pang-iinsulto, masamang pakikitungo, at kawalan ng malasakit ng employer.
Maging ang pag-alis ng isang empleyado dahil hindi na nito nakakayanan ang kaniyang kalagayan.
Sinabi din ng korte na bagamat hindi maiiwasan ang matitinding salita at hindi pagkakaunawaan sa trabaho, hindi dapat ito makasisira sa dignidad ng mga empleyado.
Dahil sa naging desisyon ng korte, inatasan ang TQAI na bayaran si Bartolome ng full backwages, separation pay, kinita nitong commission, moral at exemplary damages at attorney’s fees.