COVID-19 UPDATES
Naghain ng unemployment claim sa Amerika, tumaas ng 3,000%
Tumaas ng 3,000% ang bilang ng mga naghain ng unemployment claims sa Amerika sa kasagsagan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) crisis.
Ayon sa US Department of Labor, mula Marso, nasa mahigit 6.6 Million na mga US workers ang naghain ng kanilang unemployment benefits.
Dahil dito, umabot na sa 9.95 Million ang kabuuang claims sa loob lamang ng 2 linggo.
Nahigitan na nito ang halos 9 Million katao na nawalan ng trabaho noong 2008 hanggang 2010 dahil sa great recession.
Ito na ang pinaka-malaking pagtaas ng unemployement na naranasan ng Estados Unidos sa kasaysayan.
