National News
Nagpapakalat ng deep fake video ni PBBM na nag-uudyok ng aksiyon laban sa China, pinakakasuhan sa PNP–ACG
Nagtungo ang grupong Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBP), upang ihain ang reklamo sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) laban sa mga nagpakalat sa diumanoy PBBM deep fake video sa social media.
Pinangunahan mismo ng chairman ng grupo na si Dr. Michael Raymond Apacible Aragon ang paghahain ng reklamo.
Hiling ng grupo na kasuhan ng kriminal ang mapatutunayang sangkot sa pagkakalat ng nasabing video.
Ang nasabing video ay naglalaman umano ng utos ni Pangulong BongBong Marcos na gumawa ng aksiyon laban sa pwersa ng China.
Matatandaang itinanggi ng Presidential Communications Office (PCO) ang nasabing video at walang anilang ganoong direktiba ang Pangulo ngunit likha lamang anila ito gamit ang generative Artificial Intelligence (AI).
Tinawagan na rin ng pansin ang tanggapan ni Interior Secretary Benhur Abalos para imbestigahan ang insidenteng ito.