Connect with us

Nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 6,710

BREAKING| Bilang ng mga nakarekober sa COVID-19, higit 700 na

COVID-19 UPDATES

Nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 6,710

Nadagdagan ng 111 panibagong kaso ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling tala ng Department of Health (DOH), as of 4pm, umabot na sa 6,710 ang nadapuan ng COVID-19.

Sa naturang bilang, 693 ang gumaling kung saan 39 ang nadagdag habang nasa 446 naman ang namatay kung saan 9 ang panibagong nasawi sa nakalipas na 24 oras.

May 3,206 naman ang kasalukuyang naka-admit sa iba’t-ibang pagamutan dahil sa COVID-19.

Sa virtual briefing ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, nasa 61,049 na ang naisagawang COVID-19 test sa buong bansa kung saan 7,797 (12%) dito ay nagpositibo sa nakamamatay na sakit.

May natitira namang mahigit 71,000 test kits sa 17 mga DOH accredited testing centers sa buong bansa.

 

Continue Reading
You may also like...

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top