COVID-19 UPDATES
Nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, umakyat pa sa 6,500
Nadagdagan pa ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas.
Sa 4pm bulletin ng Department of Health (DOH), apatnapu’t isa ang bilang ng nakarecover sa nakalipas na bente kwatro oras.
Dahil dito, umakyat na sa animnaraan limanpu’t apat ang kabuuang bilang ng gumaling sa nasabing sakit.
Pumalo naman sa anim na libo limangdaan at siyamnapu’t siyam ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 kung saan isangdaan at apatnapu ang nadagdag.
Habang siyam ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi kung saan pumalo na sa apatnaraan at tatlumpu’t pito ang kabuuang bilang nito.
Umaasa naman ang kagawaran na patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nakakarecover sa COVID-19 sa mga susunod na araw kumpara sa mga nasasawi rito.