Connect with us

Nagpositibo sa COVID-19 sa Taguig, 100 na

Umabot na sa 61,266 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong bansa batay sa datos ng DOH.

COVID-19 UPDATES

Nagpositibo sa COVID-19 sa Taguig, 100 na

Umaabot na sa 100 ang bilang ng mga tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Lungsod ng Taguig.

Sa tala ng Taguig LGU, pinakamaraming nagpositibo sa nasabing sakit sa Barangay Fort Bonifacio na aabot sa 25.

Sinundan ito ng Barangay Pinagsama na may 10 kaso habang may tig-9 na kaso ang Barangay Lower Bicutan at Western Bicutan.

Maliban dito, may 16 pang barangay sa lungsod ang nakapagtala rin ng kaso ng COVID-19.

Umaabot na rin sa 6 ang nasawi, 4 ang nakarecover, 140 ang person under investigation (PUI) at 174 ang person under monitoring (PUM).

Tuloy-tuloy naman ang pamamahagi ng food packs ng City Hall para sa mga apektadong residente ng enhanced community quarantine.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top