Connect with us

Nahuling suspek sa Marawi bombing, hindi estudyante ng MSU

Nahuling suspek sa Marawi bombing, hindi estudyante ng MSU

Regional

Nahuling suspek sa Marawi bombing, hindi estudyante ng MSU

Kinumpirma ngayon ng pamumuan ng Mindanao State University (MSU) na hindi estudyante ng nabanggit na unibersidad ang nahuli ng mga otoridad na suspek sa pambobomba sa loob ng Dimaporo Gymnasium noong Dec. 3.

Sa panayam ng SMNI News kay Atty. Shidik Abantas, tagapagsalita ng MSU, sinabi nito na walang record na nag-aral sa naturang unibersidad ang suspek na si Jafar Gamo Sultan na kilala din sa tawag na Jaf o kurot.

“’Yung bagong suspek na ina-nounce ng AFP at ng PNP yung nahuli nila pinapa-check namin sa data base namin ngayon kung estudyante ba o hindi but as of the moment parang walang indication ata this is yet verified,” ayon kay MSU, Spokesperson, Atty. Shidik Abantas.

Matatandaan araw ng Biyernes, December 8, 2023, inilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang impormasyon na hawak na ng mga otoridad ang 1 sa mga suspek sa pambobomba sa MSU.

Sa inilabas na pahayag ng AFP si alyas kurot ang kasabwat ng isang alyas Omar na kinumpirma ng mga testigo na naglagay ng improvised explosive device sa Dimaporo Gymnasium.

Samantala inihayag ni Atty. Abantas na balik na sa normal ang sitwasyon sa MSU matapos na i-clear ng security forces ang unibersidad.

“’Yung unibersidad po natin is since Tuesday po ay back to operations kami po ay na-clear ng security forces na wala na pong threat sa university so open po ang aming mga opisina ang aming mga colleges nandito po ang mga estudyante natin wala pong nilalabas na restrictions or lockdowns normal na po ang situation sa university natin,” pahayag pa nito.

Sa ngayon ay nakakalat na ang augmentation forces ng PNP at ng AFP sa loob ng MSU upang mapanatili ang seguridad sa lugar.

Habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matunton ang kinaruruunan ng iba pang suspek sa pambobomba sa MSU.

More in Regional

Latest News

To Top