National News
NAIA, may pinakamalaking pondo para sa rehabilitasyon ng mga airport ngayong 2024
Kasama sa listahan sa mga airport na kailangang sumailalim sa malakihang rehabilitasyon ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Partikular na nasa P1.64-B ang ilalaan sa NAIA para magkaroon ito ng bagong Communications, Navigation and Surveillance-Air Traffic Management (CNS-ATM) system.
Kung matatandaan, January 1, 2023, ay nagkaroon ng major power outage sa NAIA na naging sanhi ng kanselasyon ng nasa mahigit 400 flights.
Itinuturong dahilan dito ang pagkaroon ng aberya sa CNS-ATM system.
Samantala, sa kabuoan, nasa P7.5-B ang inilaan na pondo para sa pangkalahatang rehabilitasyon ng 22 airports sa bansa.
