National News
Nais umuwi sa Pinas na OFWs mula Lebanon, nasa 1K lang
Nasa 1K lang mula sa 11K na overseas Filipino workers sa Lebanon ang nais mai-repatriate sa gitna ng tensyon doon.
Ang 356 mula dito sa 1K ay nakauwi na sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga nais magpa-repatriate ay ang mga OFW na undocumented o dumating doon subalit hindi pa nakaabot ng dalawang taon ang pananatili.
Sa ngayon ay nasa alert level 3 ang Lebanon dahil sa tensyon na nauugnay sa Gaza war.