National News
Naisagawang COVID-19 Test, aabot na sa 85,000
Umabot na sa halos 85,000 test ang naisagawa ng Department of Health (DOH).
Ito ang kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa naturang bilang ay mahigit 74,000 ang nag negatibo sa virus habang aabot sa 8,000 naman ang nagpositibo.
Aniya, kabilang na dito ang 1,336 na health workers na nahawaan ng COVID-19.
Dahil dito, nagbukas ang ahensya ng halos 1,000 slots para sa mga medical workers na kabilang sa high risk dahil sa pagharap sa laban kontra COVID-19.
