Connect with us

Nanalong 15 LGUs sa Tourism Champions Challenge, binigyan ng cash budget para sa infra projects

Nanalong 15 LGUs sa Tourism Champions Challenge, binigyan ng cash budget para sa infra projects

National News

Nanalong 15 LGUs sa Tourism Champions Challenge, binigyan ng cash budget para sa infra projects

Nagkaroon ng awarding ceremony ang nanalong local government units (LGUs) na sumali sa flagship program ng Department of Tourism (DOT), ang Tourism Champions Challenge (TCC).

Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang aktibidad kasama sina Executive Secretary Lucas Bersamin at Tourism Secretary Christina Garcia Frasco sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City nitong ika-15 ng Abril.

Sa halos 100 entries mula sa LGUs sa buong Pilipinas, 15 LGUs ang nakatanggap ng pinagsamang halaga na P180-M mula sa DOT.

15 LGUs mula sa Luzon, Visayas at Mindanao, ang nakatanggap ng pondo para sa mga proyekto sa turismo sa nanalong tourism proposals na kanilang isinumite.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

Luzon:

  • 𝗔𝗺𝗯𝗮𝗴𝘂𝗶𝗼, 𝗡𝘂𝗲𝘃𝗮 𝗩𝗶𝘇𝗰𝗮𝘆𝗮

(Local Paragliding Airport Terminal)

  • 𝗦𝗮𝗯𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗢𝗰𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼

(Mangrove Forest Park Development Project)

  • 𝗕𝗼𝗹𝗶𝗻𝗮𝗼, 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀𝗶𝗻𝗮n

(Community-based Project in Sikali Island)

  • 𝗦𝗮𝗻 𝗝𝗼𝘀𝗲, 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻

(Eco-tourism Park)

  • 𝗦𝗼𝗰𝗼𝗿𝗿𝗼, 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼

(Naujan Lake Wetland Center)

Visayas:

  • 𝗧𝘂𝗯𝗶𝗴𝗼𝗻, 𝗕𝗼𝗵𝗼𝗹

(Volcanic Plug)

  • 𝗕𝗮𝗱𝗶𝗮𝗻, 𝗖𝗲𝗯𝘂

(Badian Toong Spring Nature Park)

  • 𝗦𝗶𝗹𝗮𝗴𝗼, 𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻 𝗟𝗲𝘆𝘁𝗲

(Ridge-to-reef Eco-experience Project)

  • 𝗩𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿𝗶𝗮𝘀 𝗖𝗶𝘁𝘆, 𝗡𝗲𝗴𝗿𝗼𝘀 𝗢𝗰𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗮l

(Gawahon Ecopark)

  • 𝗣𝗮𝗻𝗮𝘆, 𝗖𝗮𝗽𝗶𝘇

(Coastal Resource Experience)

Mindanao:

  • 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹𝗮 𝗖𝗶𝘁𝘆, 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗮𝗻

(Lampinigan Jetty Port and Leisure Development Project)

  • 𝗗𝗮𝘃𝗮𝗼 𝗖𝗶𝘁𝘆, 𝗗𝗮𝘃𝗮𝗼 𝗱𝗲𝗹 𝗦𝘂𝗿

(Cultural Peace Hub)

  • 𝗜𝘀𝗹𝗮𝗻𝗱 𝗚𝗮𝗿𝗱𝗲𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗼𝗳 𝗦𝗮𝗺𝗮𝗹, 𝗗𝗮𝘃𝗮𝗼 𝗱𝗲𝗹 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗲

(Mangrove Boardwalk Gallery)

  • 𝗧𝗮𝗴𝘂𝗺 𝗖𝗶𝘁𝘆, 𝗗𝗮𝘃𝗮𝗼 𝗱𝗲𝗹 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗲

(Heritage Tourism Circuit)

  • 𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗴𝘂𝘀𝘁𝗶𝗻, 𝗦𝘂𝗿𝗶𝗴𝗮𝗼 𝗱𝗲𝗹 𝗦𝘂𝗿

(Tourist Catwalk)

Ginawaran ng national government ang mga nanalo ng certificate at cash budget mula sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) para sa pagpapatupad ng kanilang project proposals.

Ang mga nanalo sa unang puwesto ay nakatanggap ng P20-M; P15-M para sa pangalawang puwesto; P10-M para sa ikatlong puwesto; P8-M para sa ikaapat na puwesto; at P7-M para sa ikalimang puwesto.

Samantala, bukod dito, ay inaprubahan ng pamahalaan sa pamamagitan ng TIEZA, ang pagbibigay ng karagdagan pang P5-M para sa bawat mananalo sa TCC ng DOT.

Ang TCC ay isang nationwide campaign na nagbibigay ng insentibo sa pagpapaunlad ng turismo sa mga lungsod at munisipalidad.

Ang mga alituntunin para sa pagpapatupad nito ay naaprubahan noong Abril 4, 2023.

More in National News

Latest News

To Top