National News
Naniniwala na mas maraming magpapabakuna ngayong dumating na ang Pfizer vaccines sa bansa – WHO
Maganda ang track record ng bakuna mula Pfizer kung kaya’t nakakatulong ito para maging kampante ang publiko.
Ayon kay World Health Organization (WHO) representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, marami sa publiko ang hinihintay ang Pfizer dahil sa 95% na efficacy rate nito laban sa symptomatic COVID-19 patients ayon na rin sa Department of Health (DOH).
Tiniyak din ni Abeyasinghe na darating sa susunod na 2 buwan ang karagdagang 2.3 milyong doses ng Pfizer vaccine mula sa Covax facility.
Matatandaang dumating kagabi sa Pilipinas ang 193,000 doses ng bakuna mula sa Pfizer.
Samantala, ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, ang health workers ang mauunang turukan nito at susundan ito ng senior citizens at mga persons with comorbidities.