Connect with us

Napaka-makapangyarihang sindikato, likod ng 990kg shabu case – Abalos

Napaka-makapangyarihang sindikato, likod ng 990kg shabu case – Abalos

National News

Napaka-makapangyarihang sindikato, likod ng 990kg shabu case – Abalos

Napaka-makapangyarihang sindikato ang nasa likod ng 990kg na shabu na nakuha mula kay dating PMSgt. Rodolfo Mayo Jr. noong October 2022.

Ito ang ibinunyag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos batay aniya sa impormasyong nakuha nito.

Sinabi pa nito na maaaring sasaktan ng naturang sindikato ang pamilya o anak ng kahit sinumang kasama sa nagpapa-imbestiga ng shabu cover-up.

Hindi naman masabi ni Abalos kung iisa o marami ang sindikatong nasa likod nito subalit hindi sya naniniwala na hanggang kay Mayo lang ang mga shabu.

Itinuturing naman na isa sa pinakamalaking illegal drug haul sa bansa ang 990kg mula kay Mayo.

Sa pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na mag-resign ang mga pulis at hayaan na ang mga sundalo na mag-take over sa kaligtasan ng bansa, sinabi ni Abalos na posibleng nasabi ito dahil sa mga isyu.

Ani Abalos, gagawin nila ang kanilang mga trabaho dahil tiwala siyang marami pa silang magagawa para maresolba ang mga isyu ng iligal na droga sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top