National News
Narekober na Chinese military uniforms sa Porac Pampanga, posibleng hindi panggiyera – AFP
Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na posibleng hindi para sa giyera o banta ng pananakop ng China sa Pilipinas ang narekober na Chinese military uniforms sa ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) hub sa Porac, Pampanga.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, maaaring props lamang ang nasabing Chinese military uniform sa mga scamming activities ng naturang illegal POGO at hindi para paghahandaan ang posibleng paglusob ng mga ito sa bansa.
“Regarding the discovery of alleged Chinese military uniforms at the POGO facility in Porac, Pampanga, it is important to note that POGO operations have known to engage in various illegal activities, including online scams. The presence of Chinese military uniforms may likely be used as props in these illicit online transactions. The limited number of PLA uniforms found suggests they are more indicative of use in deceptive activities rather than any preparation for an invasion,” ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla.
Kaugnay rito, agad na pinawi ng AFP ang pangamba ng publiko sa posibleng pananakop ng mga tsino sa Pilipinas at sinabing nakahanda sila na protektahan ang mamamayan laban sa mga magtatangkang sirain at guluhin ang estado.
Patuloy rin ang pakikipag ugnayan AFP sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa gitna ng isinasagawa nitong imbestigasyon sa kaugnay sa nakuhang military uniform na iniuugnay sa China.
“We do not want to cause unnecessary panic. Rest assured, the AFP is committed to protecting the people and securing the state. We are fully cooperating with PAOCC’s ongoing investigation to clarify this matter,” saad ni AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla.
