Regional
Nasa 100 IP leaders sa Mindoro, binigyan ng kaalaman kaugnay sa kanilang karapatan
Nasa 100 Indigenous Peoples (IP) leader ng mga katutubo sa Oriental at Occidental Mindoro ang nakiisa sa ginawang ugnayan sa mga katutubo na ginanap sa Banaba, Benli, Bulalacao, Or. Mindoro.
Layunin ng ugnayan sa IP leaders na magkaroon ng malalimang pang unawa sa kanilang mga karapatan at kaalaman sa Certificate of Ancestral Domain Title.
Tinalakay naman ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang House Bill No. 9608 na layuning maunawaan ang pangangasiwa at proseso ng mga lupaing ninuno na nagsusulong sa Republic Act 8371 o The Indigenous People’s rights Act of 1997.
Maliban dito, ibinahagi rin ng 4th Infantry Battalion ang mga taktika ng CPP-NPA-NDF sa pagre-recruit ng mga katutubo at ang paggamit ng propaganda para sa isyu ng lupa at kung paano ang paraan para hindi malinlang ang mga katutubo.