Connect with us

Nasa 42 tauhan ng MRT-3, tinamaan ng COVID-19

Nagpositibo ang 36 na tauhan ng Metro Rail Transit (MRT-3) depot sa Quezon City at 6 na tauhan sa maintenance service provider  na Sumitomo-Mitsubishi heavy industries sa COVID-19.

National News

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang lahat ng office personnel ng MRT-3 depot ay isinailalim na sa swab tests noong nakaraang linggo matapos na magpositibo ang ilan sa mga staff sa depot.

Dagdag ng DOTr, agad na nagsagawa ng contact tracing matapos na magpositibo ang ilan sa mga staff at lahat ng mga personnel na nagpositibo sa COVID-19 ay nakasa-ilalim na sa quarantine.

Sa ngayon ay nagbalik na muna sa work from home arrangement ang MRT-3 depot office at tanging limitadong bilang lamang ng essential office personnel ang nagta-trabaho sa site matapos na mag-negatibo ang swab test ng mga ito.

More in National News

Latest News

To Top