Connect with us

Nasa likod ng impeachment case, kilala na ni VP Sara

Kilala na ni Vice President Sara Duterte ang taong nasa likod ng impeachment laban sa kaniya.

National News

Nasa likod ng impeachment case, kilala na ni VP Sara

Kilala na ni Vice President Sara Duterte ang taong nasa likod ng impeachment case laban sa kaniya.

Bagama’t hindi pinangalanan, may ilang detalyeng binanggit ang pangalawang pangulo patungkol sa taong ito.

Sabi ng bise, si France Castro ang unang nagpalutang ng isyung impeachment laban sa kanya.

“Quinote ko naman na si representative Castro ‘di ba, sa kaniya nagsimula iyan.”

“Last year pa lang mayroon na siyang grounds for impeachment.

“Kaya sinasabi ko ginagawan nila ng paraan pumasok lahat nung kailangan nila doon sa pinag-usapan nila na grounds.”

Alam ni VP Sara na ang pagpapa-impeach sa kaniya ang tunay na motibo ng mga pagdinig sa Kamara.

Sa totoo nga raw ay kilala niya ang nasa likod ng planong impeachment pero hindi niya muna ito papangalanan.

Naghihintay lang daw siya na may pumutok na kwento laban sa kanya sa pagdinig ng House Committee on Good Government bago niya sabihin kung sino ang taong ‘yun.

“At a proper time, siguro pag lumabas na ‘yung story about sa kaniya, sasabihin ko ‘yung lahat ng alam ko.

“Pero hindi pa kasi lumalabas sa hearing ‘yung pangalan niya eh. Kapag mayroon nagsalita about sa kaniya, sasagutin ko. Sasabihin ko kung sino.”

Bagama’t hindi man pinangalanan ni Vice President Sara Duterte ay may nasabi ang pangalawang pangulo na ilang detalye patungkol sa taong nasa likod ng impeachment laban sa kaniya.

“Iisa lang ang handler ni Risa Hontiveros, Sonny Trillanes, at France Castro.

“May video pa ‘yun eh.

“Tapos sabi nila ako daw ‘yung hindi mapagkatiwalaan. Eh hindi nga lumalabas ‘yung video.

“Wala ngang nakakalam nung video eh ako lang.”

Ngunit paglilinaw ng pangalawang pangulo, “Iba pa. Hindi ito yung pulvoronic.”

“Pag sinabi ko ‘yung gender, alam niyo na agad kung sino eh.

(Ma’am politician?) hmmmm. Wala na bang question?”

Iginiit ni VP Sara na kilala ng media ang taong ito.

Sa nangyayari nga raw ngayon ay tila nakakalimutan na ang mga tunay na problema ng Pilipinas.

Para kay VP Sara, ginagawa lang siyang diversionary tactic para hindi mapag-usapan ang mas importanteng issues na kinakaharap ng bansa.

“Nakita niyo wala na tayong pinag-uusapan patungkol sa bansa kundi si Sara Duterte. At hindi na natin napag-uusapan ang kahirapan, kagutuman, ang kawalan ng internet, walang internet connectivity sa iba’t ibang lugar, kuryente na mahal, kuryente na hindi reliable ang supply.

“Ang dami, dami, daming problema ng bansang ito pero hindi napag-uusapan dahil pinag-uusapan natin si Inday Sara Duterte.”

Dagdag pa ng pangalawang pangulo, inuubos lang sa mga pagdinig ng Kamara laban sa kaniya ang oras at pera ng taumbayan.

Pero sa kabila ng kaliwa’t kanang pag-atake sa kaniya, hindi naman ito nakikitang problema ni VP Sara.

“Kaya ko namang sagutin ‘yan lahat kasi alam ko naman na wala akong ginawang mali. So kahit ano pa ang itapon nila, masasagot ko iyan.”

More in National News

Latest News

To Top