Showbiz
National Artist for Literature na si Jose F. Soniel, pumanaw na sa edad na 97
Pumanaw na ang National Artist for Literature na si Jose F. Soniel, sa edad na 97 kagabi, January 6
Kinumpirma ito ng Philippine Center of International Poets, Essayists, Novelists (PEN) sa isang Facebook post.
Binawian ng buhay si Soniel, 9:30 kagabi habang natutulog sa Makati Medical Center, kung saan nakatakda sana itong sumailalim sa angiosplasty ngayong araw, January 7.
Ang angioplasty ay isang procedure upang buksan ang mga baradong coronary arteries dulot ng Coronary Artery Disease.
Si Jose ay isa sa mga tanyag na Pilipinong manunulat na tinatangkilik ng mga Filipino readers dahil sa angking husay nito.
Ang mga sulat nito ay sa lengwaheng Ingles, na isinasalin pa sa 28 iba’t-ibang lingwahe
Matatandaang noong 2001 ay ipinangalan dito ang titulong National Artist for Literature para sa kanyang namumukod tanging ambag sa larangan ng panitikang Pilipino.