National News
National Land Use Law, solusyon vs mga kalamidad – Rep. Duterte
Iginiit ni Davao City 1st District Rep. Paolo ‘Pulong’ Duterte ang kahalagahan na magkaroon ang bansa ng polisiya sa paggamit ng physical resources bilang tugon sa epekto ng climate change.
At dahil sa malalakas na bagyong tumatama sa bansa, saad ni Duterte dapat magkaroon na ng batas sa proper land use.
Sakop ng House Bill 3956 nina Duterte at Benguet Rep. Eric Yap na magkaroon ng ang Pilipinas para matukoy kung ano ang mga lupang angkop sa agricultural production, housing and settlements, energy development, industries, protected zones at kung saan ang disaster prone areas.
Sa ganitong paraan ay maipagbabawal na ng pamahalaan ang pagtatayo ng bahay o establisyemento sa mga tukoy nang delikadong lugar.
Oras na maisabatas, saad ng mga kongresista na maraming buhay ang maisasalba ng National Land Use laban sa landslide, pagbaha at iba pang uri ng kalamidad.
‘Given the country’s approximate land area of 300,000 square kilometers, there is a need for a comprehensive and responsive land use policy,’ saad ng mga mambabatas.