Connect with us

National Sports Summit 2021, pormal nang binuksan ni Pangulong Duterte

Pormal nang binuksan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Sports Summit 2021 sa isang virtual ceremony.

Sports

National Sports Summit 2021, pormal nang binuksan ni Pangulong Duterte

Pormal nang binuksan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Sports Summit 2021 sa isang virtual ceremony.

Binati ng pangulo ang Philippine Sports Commission na siyang namumuno sa naturang summit sa gitna ng hamon ng pandemya.

Hinimok naman ni Pangulong Duterte ang mahigit sa 600 partisipante na magpapatuloy sa kanilang mahahalagang gawain na maaaring makapagbibigay-inspirasyon sa mas nakababatang henerasyon.

Kasama naman sa seremonya na nagbigay din ng  kanyang pagbati si Senator Christopher Bong Go, Chairman ng Senate Committee on Youth and Sports,  Cong. John Marvin “Yul Servo” Nieto, Department of Education Secretary Leonor Briones, at PSC Chairman William Ramirez kasama ang mga board member ng PSC.

Ang National Sports Summit ay isang three-phased project ng PSC kung saan ang lahat ng datos mula sa mga sports online conference ay gagamitin bilang bahagi ng magiging batayan ng ahensya sa paglikha ng mga bagong resolusyon na maaaring magamit ng mga sports leader, mambabatas, at stakeholders para sa pagsulong ng Philippine sports.

More in Sports

Latest News

To Top